Buhay
Isa sa mga pinakamahalaga sa mundo ay ang BUHAY! Lahat ng tao ay ginagawa ang kanilang makakaya para pagandahin ito at pausbungin. Kaya naman abala ang tao sa pagtatrabaho, pag-aaral, at minsan nauuwi sa krimen tulad ng pagnanakaw at pagpatay. Isa sa mga ambisyon ng tao ay magkaroon ng Pera, Kapangyarihan, Kasikatan, at iba pa. Pero minsan dumarating ang tao sa pag-iisip na “Ano ang rason ko? Bakit ako nabubuhay?” Dahil na rin sa paikot-ikot o paulit-ulit nalang ang nangyayari na parang nagiging boring nalang at walang kulay. Gigising sa umaga, kakain, papasok, uuwi, matutulog. Paulit-ulit nalang! Nakakasawa! Isa sa mga hinaing ng bawat tao sa mundo. Kilala mo ba si Jesus? Siguro kilala mo siya dahil sa mga araw gaya ng Christmas at Holy week na kung saan siya ang inaalala. Pero bakit nga ba siya pumunta dito? Bakit siya namatay sa krus ng kalbaryo? Siguro, isa ito sa mga iniisip mo. Ngayon makakakita tayo ng dalawang rason: ...