Buhay


        Isa sa mga pinakamahalaga sa mundo ay ang BUHAY! Lahat ng tao ay ginagawa ang kanilang makakaya para pagandahin ito at pausbungin. Kaya naman abala ang tao sa pagtatrabaho, pag-aaral, at minsan nauuwi sa krimen tulad ng pagnanakaw at pagpatay. Isa sa mga ambisyon ng tao ay magkaroon ng Pera, Kapangyarihan, Kasikatan, at iba pa. Pero minsan dumarating ang tao sa pag-iisip na “Ano ang rason ko? Bakit ako nabubuhay?” Dahil na rin sa paikot-ikot o paulit-ulit nalang ang nangyayari na parang nagiging boring nalang at walang kulay. Gigising sa umaga, kakain, papasok, uuwi, matutulog. Paulit-ulit nalang! Nakakasawa! Isa sa mga hinaing ng bawat tao sa mundo.
       Kilala mo ba si Jesus? Siguro kilala mo siya dahil sa mga araw gaya ng Christmas at Holy week na kung saan siya ang inaalala. Pero bakit nga ba siya pumunta dito? Bakit siya namatay sa krus ng kalbaryo? Siguro, isa ito sa mga iniisip mo. Ngayon makakakita tayo ng dalawang rason:

1. Lahat ng tao ay nagkasala sa Dios at patungo sa dagat-dagatang apoy (impyerno) [Roma 3:23; 6:23a]

      Nagsimula ito sa hardin ng eden ng mag kasala ang tao sa Dios. Kung titingnan din natin ang mga bata, kahit di natin sila turuan pano sumuntok, mag sinungaling, at kumupit.. ito pa rin ay kanilang natututunan. Ito ang nangyari ng pumasok ang kasalanan sa mundo. May mga magsasabi na “mabait naman ako, maganda naman yung pagpapalaki sa akin, at wala naman akong bisyo kaya siguro pupunta akong langit pero ayon kay santiago, na makikita sa Santiago 2:10 (ASND) “Ang tumutupad sa buong Kautusan pero lumabag sa isa sa mga ito ay lumabag na rin sa buong Kautusan.” Kaya naman kahit sabihin natin na mabuti o mabait tayo hindi pa rin tayo makakatakas sa realidad na makasalanan tayo dahil sa pagsisinungaling, poot ng galit sa kaaway, pagtsitsismis, pangongopya, pandaraya, at iba pa. Kaya naman lahat ng tao ay papunta sa impyerno dahil sa kasalanan. Oo, mapagmahal ang Dios pero wag natin kalimutan na siya ay banal at ayaw niya sa kasalanan. 

2. Dumating siya para tayo'y magkaroon ng buhay [Juan 10:10]

Kung makikita natin sa unang rason, lahat ng tao ay nagkasala (Roma 3:23) at karapat-dapat na patawan ng kaparusahan na kamatay. (Roma 6:23) Isa ito sa rason kung bakit bumaba ang Dios, dahil di natin kayang iligtas ang ating sarili at lahat tayo ay nagkasala. Dahil don may kailangang mamatay na banal. Kaya naman bumaba siya rito para mamatay dahil sa ating mga kasalanan at para magkaroon tayo ng buhay. [Juan 10:10] Ano ang nag udyok kay Jesus para mamatay sa atin? Pag-ibig [Roma 5:8]. Yan ang dahilan. Isang pag-ibig na di natin karapat-dapat na matamo pero Kanyang ibigay. Ang mga kasalanan na dapat tayo ang mag durusa, ay kanyang pinagdusahan at namatay sa Krus ng Kalbaryo. 

Yan ang rason, gusto niya tayong maligtas. Minahal niya tayo sa kabila ng ating kadumihan dahil sa pag-ibig niya sa atin. Yung buhay na paulit-ulit, walang kulay, at walang kabuluhan.. ito ay babaguhin niya. Pero ligtas na ba tayo? Okay na ba ang lahat? Hindi. Kailangan nating talikuran ang ating mga kasalanan (ang kagustuhan ng laman) [Luke 13:3] [Gawa 3:19] at sumampalataya [Juan 3:16] bilang Panginoon (siya na ang mangunguna sa ating buhay) at tagapaglistas [Roma 10:9] 

*Wala ng ibang daan para maligtas. Tungo kay Jesus lang [Juan 14:6]

Comments

Popular posts from this blog

Ilaw at Asin

Ang Aking Kalakasan sa Kabila ng mga Panghihina at Takot

Pagkain