Posts

Showing posts from March, 2018

Ilaw at Asin

Image
Ang ilaw ay nagsisilbing liwanag sa dilim. Ito ang tumutulong sa tao para makita ang di nakikita habang ang asin naman ay ginagamit para mapanatili ang isang isda o karne para di masira/mabulok. Ito ay tinatalakay sa Mateo 5:13-16 ASND, makikita natin sa talata 13a na ang mga tagasunod ni Jesus ang tinutukoy niyang asin habang sa talata 14, tinutukoy naman silang mga ilaw.  Pag atin ng tinalikuran ang kasalanan at nanampalataya kay Jesus bilang Panginoon at Tagapaglistas, tayo na ay ilaw at asin ng mundo. Hindi magiging ilaw at asin PALANG. ✓Ano ang ibig sabihin na kayo ang nagsisilbing asin? Ang ibig sabihin nito na, tayo ang ginagamit ng Panginoon dito sa mundo upang di tuluyang masira ito dahil sa kasalanan. Tinutulungan natin sila na di masira sa pagbabahagi natin sa kanila tungkol sa Panginoong Jesus. Ang alat ng asin ay pwede nating ihantulad sa patotoo (ebidensya ng pagiging Kristiyano) ng isang kristiyano na kapag ito ay nawala - mahirap ng maibalik. Kahit mag sal...