Ilaw at Asin
Ang ilaw ay nagsisilbing liwanag sa dilim. Ito ang tumutulong sa tao para makita ang di nakikita habang ang asin naman ay ginagamit para mapanatili ang isang isda o karne para di masira/mabulok.
Ito ay tinatalakay sa Mateo 5:13-16 ASND, makikita natin sa talata 13a na ang mga tagasunod ni Jesus ang tinutukoy niyang asin habang sa talata 14, tinutukoy naman silang mga ilaw. Pag atin ng tinalikuran ang kasalanan at nanampalataya kay Jesus bilang Panginoon at Tagapaglistas, tayo na ay ilaw at asin ng mundo. Hindi magiging ilaw at asin PALANG.
✓Ano ang ibig sabihin na kayo ang nagsisilbing asin?
Ang ibig sabihin nito na, tayo ang ginagamit ng Panginoon dito sa mundo upang di tuluyang masira ito dahil sa kasalanan. Tinutulungan natin sila na di masira sa pagbabahagi natin sa kanila tungkol sa Panginoong Jesus. Ang alat ng asin ay pwede nating ihantulad sa patotoo (ebidensya ng pagiging Kristiyano) ng isang kristiyano na kapag ito ay nawala - mahirap ng maibalik. Kahit mag salita ka sa iba, kung sa buhay mo ay di nakikita.. mahirap mong mailapit ang isang tao. Hindi ka niya papaniwalaan.
✓Ano ang ibig sabihin na kayo ang nagsisilbing ilaw?
Ang liwanag ng isang kristiyano ay ang mabubuting gawa na makikita sa buhay niya (talata 16). Kaya bilang Kristiyano kailangan ay pinapakita natin ang ating liwanag sa madilim na mundo. Ang liwanag naman ng isang Kristiyano ay di dapat natatago (Talata 14-15), ito dapat ay nakikita lalo na ng hindi pa kristiyano. Dapat nakikita ang kaibahan ng isang kristiyano sa hindi Kristiyano. Gaya ng dilim sa liwanag. Kahit kailan hindi ito mapagsasama.
✓Ibig sabihin ba.. kailangan kong lumayo sa hindi pa Kristiyano?
Hindi tayo lalayo sa kanila. Ang ibig sabihin ko ay makita ang kaibahan. Hindi liliwanag ang ilaw kung gagamitin ito sa umaga. Gagana lang ito sa tuwing madilim o gabi. Kaya sa patuloy nating paglakad sa mundong ito.. maging ilaw tayo at maging asin sa mundo.

Comments
Post a Comment