Ang Aking Kalakasan sa Kabila ng mga Panghihina at Takot
Pag sinubukan mong tumingin sa paligid.. may mga nakangiti, may mga tumatawa at meron ding masaya. Pero sa likod ng mga kasiyahang pinapakita nila sa kanilang mukha, may lungkot at takot pa ring nakatago. Problema ang nagiging dahilan ng panghihina at pagkatakot, pero ngayon, pag-aaralan natin kung paano ito malalagpasan sa tulong ng salita ng Dios (Ang Biblia) May isang magaling na mandirigma na nagngangalang Josue. Siya ay kanang kamay ni Moses at anak ni Nun. Siya ang ipapalit ng Panginoon kay Moses sa pamumuno sa israel pag ito ay namatay (Deu. 3:28). Hanggang sa namatay si Moses at siya na ang mamumuno.
Ang susunod nating pagbubulay-bulayan na talata ay makikita sa Josue 1:1-9. Makikita natin ang pag-uusap ni Josue at ng Dios. Ang sabi ng Dios kay Josue, (v. 6, 7, & 9) “Magpakatatag ka at magpakatapang.” Pero bakit ito sinabi ng Dios kay Josue ng tatlong beses? Pagbulay-bulayan natin ito.
v. 9 “Huwag kang matakot o kaya'y manghina”
Ang matakot at manghina na salita na ginamit rito ay nangyari na.. hindi mangyayari palang. Sinabi ng Panginoon na “magpakatatag ka at magpakatapang” dahil alam niyang nanghihina si josue at natatakot. Walang malinaw na sinabi kung ano ang kinakatakutan niya at pinanghihinaan pero may mga makikita tayong posibleng rason ng kanyang panghihina:
•Nanghihina siya dahil pamumunuan niya ang malaking bilang ng Israel na makukulit at matigas ang ulo (Numbers 21:5)
•Nakatingin siya sa sarili niyang kakayahan.
Ito ang posibleng rason na pwede nating makita. Pero makikita natin na pinalakas siya ng Panginoon bagamat siya'y natatakot at nanghihina. Paano ako magiging matatag at matapang? Kailangan ko bang magtiwala sa sarili ko? Kung titingnan natin ng maigi ang mga talata. Bago sabihin ng Dios na “magpakatatag ka at magpakatapang”.. sinabi niya sa talata 5 (ASND) na “hindi kita iiwan o kaya'y pababayaan” sinabi niya rin sa talata 9 (ASND) na “dahil ako, ang Panginoon na iyong Dios, ay sasaiyo kahit saan ka pumaroon”. Kaya naman makikita natin na magiging matatag at matapang si Josue kung kasama niya ang Dios na isang mabuting pastol. Bilang mga Kristiyano, hindi na tayo ang nabubuhay para sa ating mga sarili kundi si Kristo na (Gal. 2:20) Kailangan nating dumepende sa Kanya gaya ng isang tupa na dumedepende sa kanyang pastol.
“Marunong akong mamuhay sa hirap o ginhawa. Natutunan ko na ang lahat ng ito, kaya maging anuman ang kalagayan ko, busog man o gutom, sagana o salat, kontento pa rin ako. Kaya kong harapin ang kahit anong kalagayan sa pamamagitan ng tulong ni Cristo na nagpapatatag sa akin.”
Filipos 4:12-13 ASND
Makikita natin na dumating man sa kahit anong kalagayan ng buhay si Pablo kakayanin niya sa pamamagitan ng tulong ni Cristo, hindi dahil sa kanyang sariling kakayahan. Kaya kung tayo ngayon ay nanghihina at natatakot. Idalangin natin ito sa Dios na makapangyarihan na may gawa ng buong nilalang at hayaan natin siya ang kumilos. Ipagkatiwala natin ang lahat ng pinagdadaanan natin ngayon sa ating Dios. (1 peter 5:7)
Comments
Post a Comment