Pagkain
Isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng lakas ang isang tao ay dahil sa pagkain. Pag walang pagkain, pwedeng ikagutom na magiging sanhi ng pagkahina at tuluyang pagkamatay. Kaya naman ito ay Kailangan. Ngayon, ay atin namang pag-aaralan ang tungkol sa pagkaing ispiritual. Ano ba ito? Kailangan ba ito ng isang Kristiyano?
Kung ating bubuksan ang ating mga biblia sa Mateo 4:4 ASND Pero sumagot si Jesus, “Sinasabi sa Kasulatan, ‘Hindi lang sa pagkain nabubuhay ang tao kundi sa bawat salita ng Dios.’ ”
Makikita natin sa talatang ito na kailangan din ng tao ng pagkaing ispiritual at yun ay ang salita ng Dios. Ano ang makikita nating benepisyo sa salita ng Dios sa ating ispiritual na buhay? (Makakakita tayo ng dalawa)
[✓]Josue 1:8 ASND “Huwag mong kalimutang basahin ang Aklat ng Kautusan. Pagbulay-bulayan mo ito araw at gabi para malaman mo kung paano mo matutupad nang mabuti ang lahat ng nakasulat dito. Kung gagawin mo ito, uunlad ka at magtatagumpay.”
Maraming Kristiyano ang lanta at bagsak sa kanilang ispiritual na buhay dahil sa kakulangan ng pagbubulay-bulay ng salita ng Dios. May mga nagsasabi na nagbabasa naman ako pero bakit di pa rin ako nagtatagumpay at umuunlad? Kung titingnan ulet natin ang talata, makikita natin na hindi lang dapat binabasa kundi dapat pinagbubulay-bulayan ito. Ano ba ang pinagkaiba ng dalawang ito?
•Pagbabasa - halimbawa, mababasa natin sa 1 Sam. 17 na natalo ni David si Goliath at dahil ito sa makapangyarihang Dios ng Israel.
•Pagbubulay - kung bubulayin natin ang tungkol kila David at Goliath at sa makapangyarihang Dios.. Makikita natin na gumamit ang Dios ng isang bata (1 Sam. 17:33) Makikita natin na kayang palakasin ng Dios ang isang mahina. Kaya ng Dios pakita ang kanyang kadakilaan sa maliit at bata na katulad ni David.
×Ang pagbabasa ay kumukuha lang ng impormasyon habang ang pagbubulay-bulay ay kailangan ng malalim na pag-iisip.
Isa ito sa mga halimbawa ng pagbubulay na makakatulong sa ating buhay na ispiritual. Dahil kung hindi kumakain ang ispiritual mo ng Salita ng Dios at wala kang panahon para pagbulay-bulayan ito.. sigurado, manghihina ka at manlulupaypay.
[✓] Salmo 119:9, 11 ASND
“Paano mapapanatili ng isang kabataan na maging malinis ang kanyang buhay? Mamuhay siya ayon sa inyong mga salita. Ang salita nʼyo ay iningatan ko sa aking puso upang hindi ako magkasala sa inyo.”
Nakakatulong din ang Salita ng Dios upang hindi tayo magkasala. Binabago nito ang ating buhay. Dahil ang “Lahat ng Kasulatan (Biblia) ay isinulat sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios, at mapapakinabangan sa pagtuturo ng katotohanan , pagsasaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa matuwid na pamumuhay, para maging handa sa lahat ng mabubuting gawa ang naglilingkod sa Dios.
2 Timoteo 3:16-17 ASND
Kaya naman napakahalaga nating pagbulay-bulayan ang mga ito at ingatan sa ating puso upang di tayo magkasala at maging kalugod-lugod sa Dios.
Tandaan natin na, hindi lamang pangangailangan ng ating pisikal ang dapat isipin kundi mas isipin natin ang ating ispiritual. Ngayon, na tayo ay nabuhay na kasama ni Jesus nang tayong sumampalataya sa Kanya at pinalaya na sa kasalanan, gamitin natin ang ating buhay natin bilang buhay na handog na isang banal at kalugod-lugod sa Kanyang harapan bilang pagsamba (Roma 12:1) Gamitin natin bilang Kristiyano ang ating mga buhay para sa Kanya. Talikuran natin ang ating mga panlamang kagustuhan (Kapangyarihan, Kayamanan, atbp.) Na nagiging hadlang ng ating paglago.

Comments
Post a Comment