Bagyo
Isang araw, sumakay ng bangka si Jesus kasama ang mga tagasunod niya. Sinabi niya sa kanila, “Tumawid tayo sa kabila ng lawa.” At ganoon nga ang ginawa nila. Nang naglalayag na sila, nakatulog si Jesus. Maya-mayaŹ¼y lumakas ang hangin at pinasok ng maraming tubig ang bangka nila, kaya nalagay sila sa panganib. Nilapitan si Jesus ng mga tagasunod niya at ginising, “Guro! Guro! Lulubog na tayo!” Bumangon si Jesus at pinatigil ang malakas na hangin at ang malalaking alon. Tumigil ang mga ito at biglang kumalma ang panahon. Pagkatapos, tinanong ni Jesus ang mga tagasunod niya, “Nasaan ang pananampalataya ninyo?” Namangha sila at natakot, at nag-usap-usap, “Sino kaya ito? Kahit ang hangin at ang alon ay inuutusan niya, at sinusunod siya!” Lucas 8:22-25 ASND Kung titingnan natin ang panahon nila, wala pa silang ginagamit na mga bagay upang malaman kung may darating na bagyo gaya ng sa panahon natin ngayon. Kung titingnan natin ang mga nangyari dito sa kwento at sa buhay natin bilan...