Bawat Segundo, minuto o oras ay napakahalaga. Meron lamang tayong 24 na oras sa isang araw. Ito ay limitado at hindi ganoon kahaba kaya dapat gamitin ng tama. Maraming tao ang naiiksian sa oras at marami rin ang nahahabaan dito pero ang tanong nagagamit mo ba ito ng tama?
May isang tao sa biblia na ang pangalan ay Mateo. Makikita natin ang kanyang buhay sa Matt. 9:9-13; Mk 2:14-17; Lk 5:27-32. Isa siyang nangongolekta ng buwis at mayaman. Ang ibang tawag sa kanya sa biblia ay levi. Ang mga nangongolekta ng buwis ng panahon na yun ay tinuturing na traydor at magnanakaw (Dahil sa nangongolekta sila ng sobra.) May mga oras na ginagamit niya ang oras niya sa pangungurakot at pandaraya ng tao. Pero nang dumating si Jesus at sinabi na “sumunod ka akin”.. siya ay sumunod at iniwanan ang lahat. Nang siya ay sumusunod na kay Jesus, inimbita niya ang mga katrabaho niya at iba pang tinuturing na makasalanan. Ano ang makikita natin kay Mateo? May dalawang puntos tayong makikita:
1. Iniwan niya ang lahat (Lk 5:28) at sumunod kay Jesus.
Mahirap sa isang tao ang iwanan ang napakahalaga sa kanya pero mas masakit ang iwanan ang lahat. Makikita natin yan na ginawa ni mateo. Hindi niya inisip na pag umalis siya sa Kanyang trabaho ay hihinto na rin ang pagkakaroon niya ng pera.. at dahil wala siyang pera, wala na rin siyang pambili ng pagkain, at pag walang pagkain, mamamatay siya. Pero bakit siya sumunod? Dahil alam ni Mateo na si Jesus ay pwedeng sandalan at dapat sandalan. Nang mga oras na yun hindi problemang pisikal ang nakita niya sa kanyang sarili kundi problema niya sa spiritual. Nakita niya na siya'y alipin ng kasalanan at kailangan niya ng kagalingan. Nakita niya, na si Jesus ang makakapagpagaling sa kanya. Hinayaan niyang baguhin siya ni Jesus at ipinagkatiwala niya ang Kanyang buhay. Iniwan niya ang lahat. Ipinakita niya na si Jesus ang lahat sa kanya at hindi siya magkukulang (Ps. 23:1)
2. Ginamit niya buhay niya para kay Jesus (Matt. 9:10; Lk 5:29)
Ginamit niya ang sarili niya para makilala din ng iba si Jesus. Pati ang kanyang pera at bahay ay ginamit niya para sa Panginoon. May mga kristiyano na hindi nila ginagamit ang buhay nila para sa Panginoon kundi sa kanilang sarili. May mga bagay pa ring humaharang sa kanilang pagsunod sa Dios. Isa dito ang katamaran at pagiging makasarili. Katamaran ang dahilan ng iba kaya hindi sila nakakapagbasa ng Biblia at nananalangin. Mahalaga ang pagbabasa ng Biblia dahil ito ang ating gabay. Paano natin susundan si Jesus kung di natin alam ang Kanyang mga utos? Mahalaga rin ang pananalangin, ito ang komyunikasyon natin sa Dios at tungo dito ibinibigay natin ang lahat sa Kanya (Papuri, Paghingi ng kapatawaran, Pasasalamat, at pangangailangan). Pero kung sinasabi nating may relasyon tayo sa Kanya, diba dapat nag bibigay tayo ng oras para kausapin siya? Pagiging makasarili rin ang nagiging problema nila dahil imbis na dumepende sila sa Dios ay kinakaya pa rin nila ang lahat tungo sa kanilang sariling kakayahan. Imbis na siya na yung nangunguna sa atin, tayo pa rin ang nasusunod. Kung ito ang dinaranas mo ngayon, ilapit mo yan sa Dios at ihingi mo ng tawad. (1 Jn. 1:9; Matt. 11:28) Sumunod ka ulet at gamitin mo ang buhay mo sa Kanya (Jesus).
Saan mo ginagamit ang oras? Para sa Sarili mo o para kay Jesus?

Comments
Post a Comment